Blog courtesy of buhaypenoy.wordpress.com

Kahapon, Marso 24 ang kauna-unahang malayong motor ride na naranasan ko kasama ang Sym Motor Riders Club at Paniqui Riders, 26 na motor at 40 na participants…wow di biro yun ha. Nagsimula at tinapos ang activity sa panalangin.

2:30 meeting place namin sa Salapungan Gas station Tarlac, sinundo kami ni Jhonny (thanks Jhonny)

3:oo AM meet up sa Paniqui

IMG20160324033347 IMG20160324033403

 

Bago 5:30 AM nasa Manaoag na kami at by 9:30 AM ay next location na, Natividad.

IMG20160324064015

IMG20160320131135[1]

 

Maranum Falls, Natividad, Pangasinan

 

IMG20160324145432

IMG20160324121534

IMG20160324121720

IMG20160324120439

Sky Plaza, Natividad, Pangasinan

IMG20160324161534 IMG20160324161742 IMG20160324162008 IMG20160324165447

“Magtiwala ka at Ako ang bahala”

Pagkatapos ng mahabang paglalakbay…ito ang tumimo sa aking isip pagkatapos ng mga takot na nalampasan ko.

Unang pagsubok..sa kalagitnaan ng madilim na madaling araw at tumatakbo ka ng nasa 70 kph, bigla na lang may magpa fashion show na malaking aso sa gitna ng hiway…wala ka ng panahong mag-isip pa…di ako pwedeng magbrake agad (semplang to the max tiyak) di din ako marunong mag bunking. Pikitmata at hinanda ko na lang ang sarili ko sa maaaring mangyari. sigurado akong mahahagip ko ang asong iyon at wala na akong magagawa pa. Ngunit himala…di ko nahagip ang aso at nakaligtas ako…ganggabuntot na pagkaligtas sa kapahamakan. at kitang kita din iyon mga kuya ko na nasa likuran ko lang.

Ikalawang pagsubok, driving pababa sa madulas, mabatong daan. Kasubuan na, papuntang Maranum Falls upang humanap ng pagpa-park an. Sobra ang kaba ko dun kasi konting pagkakamali tiyak na sesemplang ako… pero ayun nakalampas pa din ng ligtas hehe.

Ikatlong pagsubok, pagbaba sa Sky Plaza. Ang pag-akyat sa Sky Plaza ay isa ng pagsubok, di biro ang tarik nito pero sementado, may 3 bwelo ang pag-arangkada at kapag mahina ang hila ng motor ay mamarapatin mo ng magpaiwan sa ibaba. Lakas loob, ginaya ko ung ginawa ng iba na pa ekis ekis at nakauno lang…okay sa olrayt..nakaakyat ako.

Naenjoy ko yung tanawin sa itaas, parang Tagaytay, selfie, groupie at inom ng malamig na Softdrink.

Pang-apat at di ko malilimutan sa lahat… ang takot sa pagbaba. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang walang katulad na takot. Halos himatayin ako sa pagbaba kasi sobra talaga ang tarik at pakurba ito. Wala ng pagkakataong umurong pa dahil alanganin na ang pwesto ko. Dalawang brake ang pigil ko, harap at likod. Natatakot ako na sa sobrang pigil ay matumba ako at natatakot din ako na luwagan ang pigil dahil baka magdere-deretso ako at tiyak salpok sa gilid o tuloy tuloy na dumausdos. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakababa pero nagawa ko pa din. Ang kabog ng dibdib ko ay nakabibingi at ang sakit sa pakiramdam.

Pagkatapos ng lahat..di ko maikakailang naenjoy ko ang experience na ito at doon ko napagtanto na ang presensiya ng Panginoon ay di matatawaran. “Magtiwala ka at Ako ang bahala”. Salamat Panginoon.

Hanggang sa muling paglalakbay…samahan ninyo akong muli.

Salamat mga bro riders!

IMG20160228130721

Courtesy of buhaypenoy.wordpress.com

Nang mag-research ako ng mga lugar na di ko pa napupuntahan sa Baguio, isa sa nakita ko ay ang Shrine of the Brown Madonna na matatagpuan sa Km7, Asin Road, Tadiangan, Tuba, Benguet.

Sa kasagsagan ng dami ng tao sa Baguio City proper dahil sa Panagbenga Festival ay minabuti kong hanapin ang lugar na ito at makita sa aking sariling mga mata kung ano ang mayroon sa lugar na ito.

Hindi naging madali sa akin ang paghahanap ng sasakyang jeep patungo doon…di kasama ang taxi sa aking plano haha. Sa matiyagang pagtatanong ay nakita ko din ang paradahan ng jeep na patungong Asin 7 (yun ang tawag nila) nasa Abanao street ito kahanay ng mga papunta sa Asin.

Ang tagal ng pagbibiyahe ay 25 minuto kung walang traffic, pero dahil nga sa matraffic ng araw na iyon, umabot kami ng 45 minuto. Ang pamasahe ay P12 lang bawat isa.

At narito ang Shrine of the Brown Madonna…

Mayroon silang misa sa tuwing ika 4 na Linggo ng buwan…

IMG20160228130449

Nasa loob ito ng isang kuwebang dinevelop na din. Mayroon itong ilang upuan at dahil walang tao kundi kami ng kasama ko ng mga oras na iyon…napakasolemn niya. Hindi ka mangingiming magdasal at magmuni-muni..Tahimik, simple…

IMG20160228125444

Ito ang sentrong altar….

IMG20160228125504

Larawan mula sa labas…

IMG20160228125915

Napansin lang namin na walang donation box doon…sana lang magkaroon yung tipong di naman kayang basta na lang makuha ng mga di nagnanais ng maganda.

Sa kinauukulan sana mapag-isipan niyon ang aming suhestiyon…makakatulong ito ng malaki para lalo pang mapaayos ang Shrine of the Brown Madonna.

 

Panagbenga 2016.jpg

Courtesy of  https://buhaypenoy.wordpress.com/2016/03/06/panagbenga-2016

Isa sa pinakamasayang panahon ng pamamasyal ay ang matapat sa mga festival at ang Panagbenga ng Baguio ang isa sa makukulay na kasayahang ang sarap di palampasin.

Hindi ito ang una kong pagdalo sa Panagbenga pero ang madyik at excitement na hatid sa akin ay laging parang bago ng bago.

Siksikang tao, matagal na pagkakatayo makita lang ang parada, sala-salabat na sefie, monopad, ingay, ngalay, gutom…sama-sama na pero walang mga nagrereklamo wag lang mapalampas ang okasyong ito.

Mabuti na lang at dun mismo sa pagmumulan ng Grand Float Parade ang pwestong aming natiyempuhan. 5:30 pa lang ng umaga ay naroon na kami at nagsimula itong lumakad bandang alas-8:00 na.

Float 6 Float 7 Float 8 Float 9 Float 13 Float 11 Float 21

ilan sa mga Floral floats na pumarada sa taong ito…

Float 2 Float 16 Float 19 Float 27 Float 28 Float 31 Float 32 Float 40 Float 41 Float 50 Float 47 Float 51

At ang isa sa umagaw ng pansin ay ang cute na cute na si Jeepito

Float 3

 

Ang gumawa naman ng pinakamaingay na sigaw mula sa mga manonood, lalaki, babae, beki, bata, matanda, may ngipin o wala ay walang iba kundi … si Coco..(isama na din si Onyok)

coco b

Hanggang sa susunod na pagbabahagi :-)

From Happy Backpacker

Risen Christ 4

Monasterio De Tarlac is a popular tourist destination in Lubigan, San Jose, Tarlac, Philippines. It is a monastery on top of Mount Resurrection and has a thirty-foot Statue of the Risen Christ that overlooking the hilly side of the province.

Risen Christ 2

The monastery is run by the Servants of the Risen Christ (SRC) Monastic Community

The Brief History

By Rev. Fr. Moses Angelo, SRC

“It is only when we realized that God’s plan is the “only plan” after many plans been tried and yet failed thus all things are arranged according to His will and design. Rev. Fr. Ronald “Archie” Thomas A. Cortez of Bamban, Tarlac, a newly installed pastor in Diocesan Shrine of St. Therese Ramos, Tarlac, received the instruction by his ordinary bishop to have further studies in Rome. But days before his departure, a group of young men, sought his assistance and discernment in living a life of silence, prayer, contemplation and adoration following the spirituality of the Risen Christ. The Servants of the Risen Christ Monastic Community an apostolic-contemplative community of religious men who consecrated themselves to a life of prayer and work (Ora et Labora). The charism of the new congregation is to give hope to the hopeless; an Easter message of hope and joy. The New congregation officially received the diocesan blessing and approval from their bishop-protector, Most Reverend Florentino F. Cinense, bishop of the Diocese of Tarlac, on September 14, 1998, on the feast of the Triumph of the Cross. Ramos town became the cradle of the SRC Community.”

Relic

The Relic of the True Cross

Monasterio De Tarlac is not only famous for its colossal statue of the Risen Christ but for the Relic of the True Cross that enshrined inside the chapel.

After the Pilgrim’s mass, the Shrine will be opened for those who like to view and touch the Holy Relic. Monks will assist everyone for this event.

Relic2

Peaceful…that is the only word I can say every time I visit the monastery…peaceful in silence…

I love Monasterio

Map from Tarlac City to Monasterio de Tarlac

Map