IMG20160228130721

Courtesy of buhaypenoy.wordpress.com

Nang mag-research ako ng mga lugar na di ko pa napupuntahan sa Baguio, isa sa nakita ko ay ang Shrine of the Brown Madonna na matatagpuan sa Km7, Asin Road, Tadiangan, Tuba, Benguet.

Sa kasagsagan ng dami ng tao sa Baguio City proper dahil sa Panagbenga Festival ay minabuti kong hanapin ang lugar na ito at makita sa aking sariling mga mata kung ano ang mayroon sa lugar na ito.

Hindi naging madali sa akin ang paghahanap ng sasakyang jeep patungo doon…di kasama ang taxi sa aking plano haha. Sa matiyagang pagtatanong ay nakita ko din ang paradahan ng jeep na patungong Asin 7 (yun ang tawag nila) nasa Abanao street ito kahanay ng mga papunta sa Asin.

Ang tagal ng pagbibiyahe ay 25 minuto kung walang traffic, pero dahil nga sa matraffic ng araw na iyon, umabot kami ng 45 minuto. Ang pamasahe ay P12 lang bawat isa.

At narito ang Shrine of the Brown Madonna…

Mayroon silang misa sa tuwing ika 4 na Linggo ng buwan… IMG20160228130449

Nasa loob ito ng isang kuwebang dinevelop na din. Mayroon itong ilang upuan at dahil walang tao kundi kami ng kasama ko ng mga oras na iyon…napakasolemn niya. Hindi ka mangingiming magdasal at magmuni-muni..Tahimik, simple…

IMG20160228125444 Ito ang sentrong altar…. IMG20160228125504 Larawan mula sa labas… IMG20160228125915

Napansin lang namin na walang donation box doon…sana lang magkaroon yung tipong di naman kayang basta na lang makuha ng mga di nagnanais ng maganda.

Sa kinauukulan sana mapag-isipan niyon ang aming suhestiyon…makakatulong ito ng malaki para lalo pang mapaayos ang Shrine of the Brown Madonna.